Advertisers

Advertisers

2 sarhento ng PNP patay, kapitan sugatan sa sunog sa Crame

0 299

Advertisers

NASAWI ang dalawang pulis habang isa ang sugatan sa sunog sa Camp Crame, Quezon City nitong Biyernes.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa PNP General Hospital sina PSSgt Nichol Jamosjos, nakatalaga sa Special Action Force (SAF); at PMSgt Amado Ormillon Jr., nakatalaga sa Base Fire Section, Headquarters Support Service.
Nagtamo naman ng mga sugat sa katawan si Capt. Victorioso Yulde ng SAF.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Debold Sinas, 2:30 ng madaling-araw nang maganap ang sunog sa Transportation Maintenance Division Facitly ng Logistic Sport Service sa Camp Crame.
Batay kay Lt Col Daniel Vinluan, deputy chief, TMD LSS, isang malakas na pagsabog ang kanyang narinig kaya’t agad na lumabas upang tingnan ang pinagmulan nito.
Nakita nito ang apoy sa likurang bahagi ng isang SAF V150 armored vehicle kaya’t ipinagbigay-alam sa duty dispatcher na tumawag ng bumbero habang abala sa pagsugpo ng apoy.
Nagtamo ng sugat sina Capt. Yulde at SSg Jamosjos, habang si Ormillon Jr. ay nakuryente at tumama ang ulo sa steel bunks.
Agad dinala ang mga biktima sa PNP Gen. Hospital pero binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sina Jamosjos at Ormillon.
Naapula ang sunog dakong 3:10 ng madaling-araw. (Mark Obleada)