Advertisers
APAT na lalaki na kabilang sa mga lugar na inilikas habang nasa kasagsagan ng bagyong Dante, ang inaresto ng mga tauhan ng Sub-Station 9, Taguig CPS matapos na umano’y maaktuhan na humihithit ng iligal na droga sa Evacuation Center, Hagonoy Sports Complex sa lungsod ng Taguig.
HIndi nakapalag nang arestuhin ng mga tauhan ng Sub-Station 9, sa pangunguna nina PCPT Johnny S Sianen,PSSg Ronald B Dayawon at PSSg Jensen Jones Ramos, ang apat na ‘bakwit’ na sila Nico Ronquillo Y Marino,binata, 20, Elementary Graduate, Ebike Driver at residente ng # 168 Moonlight St, Brgy Hagonoy, Taguig City; Michael Mondala y Tablac,binata, 51, Ebike Driver at residente ng 02A #25 De Enero St, Brgy Central Signal, Village, Taguig City ; Eugene Gutierrez y Enriquez, 48,may asawa, walang trabaho at residente ng 162B MLQ St., Brgy Hagonoy, Taguig City at John Patrick Sarcia y Romano,binata, 25, Elementary Graduate, construction worker at residente ng # 168 Moonlight St, Brgy Hagonoy, Taguig City.
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap alas-7:30 ng gabi sa evacuation center ng Barangay Hagonoy, Taguig City.
Sa imbestigasyon na habang nagpapatrulya ang mga awtoridad sa nabanggit na lugar nang masumpungan nila umpukan ng mga suspek habang abala sa paghawak ng iligal na droga na nagresulta sa kanilang pagkaaresto.
Nakumpiska sa kanila ang apat na piraso ng plastik na transparent crystalline substance na hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit o kulang 3.1 gramo na may SDP na nagkakahalaga ng PhP21,080.00.
Ang apat na ‘bakwit’ ay itinurn-over sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) para sa paghahanda ng mga kaukulang dokumentong kailangan kaugnay sa pagsasampa ng mga reklamo para sa Violation of Section 11, Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Confiscation of MOL 3.1 grams ng hinihinalang shabu. (JOJO SADIWA)