Advertisers

Advertisers

2 HVI timbog sa Pampanga

0 52

Advertisers

Arestado sa isinagawang buy bust operation ng PNP ang high-value individual na kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa bayan ng Porac Pampanga.

Sa report na tinanggap ni PRO3 Dir. Bgen.Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ang mga suspek na sina alyas Dacula, na kabilang sa High value individual at alyas Acmad kapwa residente ng Brgy, Anupul Bamban Tarlac.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad 5:30 ng hapon nitong Hulyo 29 nang ikasa ang buy bust sa Brgy. Hacienda Dolores sa bayan ng Porac na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.



Nakumpiska mula sa dalawa ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php3.4 milyong piso at mark money na ginamit sa buy bust operation.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Porac Municipal Jail sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article II of Republic Act 9165, na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">