Advertisers

Advertisers

Lola pinagbintangang mangkukulam, sinilaba

0 15

Advertisers

NASAWI ang 75-anyos na lola nang hatawin ng kahoy at sinunog ng kapitbahay na dating drug surrenderee, matapos pagbintangang mambabarang o mangkukulam sa bayan ng Kibawe, Bukidnon.



Sunog na ang katawan at walang buhay nang abutan ng mga rumespondeng pulis ang biktima, na hindi pinangalanan. Nadakip naman ang 37-anyos na salarin.

Ayon kay Major Jayvee Babaan, tagapagsalita ng Bukidnon Police Provincial Office, naganap ang krimen Hulyo 26, 2025.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na hinampas ng lalaki ang biktima gamit ang tuyong tangkay ng niyog sa ulo, dahilan para mawalan ito ng malay, at sinilaban gamit ang mga tuyong dahon ng tangkay ng niyog.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang salarin at inamin ang krimen, iginiit nitong kinukulam siya ng biktima.

Nabatid na dumaranas ng depresyon ang salarin nang hiwalayan ng kanyang asawa.

Sinabi ng pulisya na may dating rekord ang salarin ng paggamit ng ilegal na droga, at ngayon ay nahaharap sa kasong pagpatay.