Advertisers
INAKO ng Communist Party of the Philippine (CPP) ang responsibilidad sa nangyaring engkwentro noong January 4 sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at Philippine Army (PA) sa Malibcong, Abra kungsaan napatay ang isang batang mataas na military officer.
Kinilala ang nasawi na si 2nd Lieutenant Zaldy Lapis, platoon leader ng 72nd DRC.
Sa statement, sinabi ng CPP na ang mga miyembro ng Agusting Begnalen Command ng NPA-Abra ang nakasagupa ng 72nd Division Reconnaissance Company (DRC) ng Philippine Army at 24th Infantry Battalion sa Barangay Pacqued.
Una ang kinondena ng 7th Infantry Division (7ID) ang pagpatay ng mga rebeldeng komunista kay Lapis.