Advertisers
SUMADSAD ang isang passenger/cargo vessel sa baybayin ng Dunggoan, Danao City Cebu.
Isa-isa namang tinulungan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang mga pasahero na sakay ng sumadsad na MV Manoling 2.
Ayon sa kapitan ng barko na si Captain Eduardo Morales, umalis sila sa Port of Isabel sa Leyte patungong Dunggoan Wharf Cebu sakay ang 25 crew members, 53 pasahero at 22 rolling cargoes .
Sa kalagitnaan ng kanilang paglalayag, sinalubong sila ng malalaking alon at malakas na current ng tubig kaya dinala ang kanilang barko sa mababaw na bahagi kungsaan sila sumadsad.
Agad namang nakahingi ng tulong ang kapitan ng barko sa PCG upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang pasahero at tripulante. (Jocelyn Domenden)