Advertisers

Advertisers

200K AstraZeneca COVID-19 vaccine binili ng Paranaque LGU

0 282

Advertisers

PUMIRMA na sa isang kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Parañaque para makabili ng 200,000 doses ng COVID-19 vaccine na AstraZeneca sa halagang $1-milyon para sa kanilang mamamayan.
Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez na ang kanyang pinirmahang “Multilateral Agreement for the Advance Purchase of AZD1222 Vaccine” nito lamang Martes ay isang makabuluhang development sa pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19.
Bukod sa AstraZeneca, sinabi din ni Olivarez na interesado rin ang lungsod na makabili pa ng bakuna sa iba pang drug manufacturers tulad ng Janssen, Pfizer/BioNTech at Moderna.
Ayon kay Olivarez, naglaan ng inisyal na halagang P250 milyon sa ilalim ng COVID-19 vaccination program ang lokal na pamahalaan para sa pagbili ng naturang bakuna at ipagkakaloob ito ng libre sa mga residente ng lungsod.
Ayon naman kay City Health Officer (CHO) Dr. Olga Virtusio, ang plano ng lungsod ay mabakunahan ang 119,200 residente sa Phase 1 ng vaccination program na pakikinabangan ng frontline workers, uniformed personnel, persons with disabilities (PWDs), senior citizens at ang mga indigents.
Dagdag pa ni Virtusio, ang pangunahing layunin ng lungsod ay maipatupad ang 90% vaccination coverage upang maabot ang 70% ng herd immunity ng kritikal na populasyon.
Ang AZD1222 Vaccine, na idinevelop ng AstraZeneca UK sa pakikipag-partnership sa Britain’s Oxford University, ipinagbibili ng AstraZeneca sa pamamagitan ng “no profit, no loss” arrangement sa buong duration ng pandemya.
Nagkakahalaga ang AZD1222 ng 5-dolyar bawat dose o kabuuang 1-milyong dolyar na gagastusin ng lokal na pamahalaan ng Parañaque.(Gaynor Bonilla)