Advertisers

Advertisers

25 PhilHealth officials inendorso ng PACC na kasuhan sa Ombudsman

0 242

Advertisers

SASAMPAHAN ng patung-patong na kaso ng Inter-agency task force ang 25 mga dati at kasalukuyang opisyal ng Philhealth dahil umano sa katiwalian.
Una rito, inendorso ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) na sampahan ng criminal at administravice charges ang naturang mga opisyal sa Office of the Ombudsman.
Saad ni Department of Justice (DoJ) Assistant Sec. Neal Bainto, paulit-ulit umanong napag-usapan at na-deliberate ng DoJ ang report ng PACC at napatunayan namang mayroong sapat na basehan para sampahan ng kaso ang mga opisyal ng PhilHealth sa Ombudsman.
Sangkot ang mga opisyal sa fake membership at benefits claim scheme sa isa sa mga regional office ng Philhealth.
Pero hindi pa inilalabas ang pangalan ng mga opisyal ng Department of Justice (DoJ) na siyang nanguna sa task force.
Sa imbestigasyon ng PACC lumabas na mayroong pekeng account ang ginawa na may pangalang “Pamela Del Rosario” sa PhilHealth Region I.
Sinabi ni Bainto na nasa 27 fraudulent claims na naglalaman ng P1.1 million ang sinasabing nasa ilalim ng fake account.
Inirekomenda rin ng PACC ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal ng Philhealth na naatasang mag-imbestiga sa katiwalian sa Philhealth na bigong imbestigahan at panagutin ang mga sangkot sa katiwalian sa ahensiya.
Kabilang sa mga kahaharaping kaso ng 25 indibidwal ang Falsification by public officer (Article 171, Revised Penal Code), Malversation (Article 217, RPC), Usurpation of authority (Article 177, RPC), paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019),paglabag sa National Health Insurance Act (RA 7875), maging ang administrative liabilities para sa grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Kung maalala, Oktubre noong nakaraang taon nag sampahan ng task force ng malversation at graft charges si dating PhilHealth president at CEO Ricardo Morales at iba pang opisyal ng agency dahil sa sinasabing irregular fund disbursements sa mga ospital dito sa Metro Manila sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM). (Josephine Patricio)