Advertisers
MAKARAANG dalawang ulit na magpositibo sa covid-19, naghain ng leave of absence si Interior Secretary Eduardo Año.
Ito ang kinumpirma ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na hanggang sa katapusan ng Enero ang inihaing leave ni Año matapos payuhan ng kanyang mga doctor na tingnan ang kanyang kalusugan.
Itinalaga naman bilang officer-in-charge si Undersecretary for Peace and Order Florence Bernardo Jr..
Naghain aniya ng leave of absence si Año para matiyak ang kanyang kalusugan at kaligtasan kaya minabuting pakinggan ang payo ng kanyang mga doctor.
Sabi ni Malaya, medyo madalas mapagod ang opisyal na base na rin sa mga pag-aaral ay long-term effect ng mga nagkaroon ng covid-19.
Si Año ang siya ring vice chairman of National Task Force against Covid-19, ay unang na-diagnosed ng Covid-19 noong Marso 3, 2020 at naka-recover matapos ang mahigit isang buwan at muling tinamaan nito noong Agosto 15, 2020 at gumaling noong Setyembre 2, 2020. (Josephine Patricio)