Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA social media ni Julia Barretto ay talagang wala na itong kiyeme na ipinangalandakan na ‘taken’ na siya.
Meaning, in a relationship na raw ang status ng panganay nina Marjorie Barretto at Dennis Padila.
Kaya naman may mga netizen na natuwa at tsumika na baka nagtri-trip lang daw si Julia at ‘di pa tukuyin ang dyowa na sinasabi nito.
Kahit sa vlog ay ipinagbuyangyangan ni Julia na talagang taken at may dyowa na siya.
Kaya sa games kung talaga nga raw taken na si Julia, sino raw ba ang dyowa niya at dalawa lang ang pipiliin niya, Pinoy o AFAM.
AFAM naman ang pinili ni Julia na sinasabi na nakabihag ng kanyang puso.
Naisip ng netizens na si Gerald Anderson ito na isang American-Filipino at matanda rin sa kanya dahil 31 na ang aktor at 23 si Julia.
Kaya kuda pa ng isang netizen ay bakit ayaw pa raw nila umamin kung pareho naman silang loveless.
***
ISA nga si Maja Salvador na tiyahin ni Janella Salvador ang nakaalam na preggy na ang huli. Naiyak pa nga raw si Maja at anak na ang turing sa pamangkin na nakasama niya sa seryeng Killer Bride.
Pero sa kabilang banda ay bumilib si Maja kay Janella at ganun na din sa bf nito na si Markus Paterson.
Sa kabila raw na mga bata pa sila ay pinili nila na ituloy ang ipinagbubuntis ni Janella hanggang sa manganak na ito.
Itinuring kasi ni Janella na blessing ito kaya kahit may kaba ay nagdesisyon ang magdyowa na ituloy kaya nang isilang ang kanilang baby ay laksang kaligayahan ang nadama ng couple.
Kaya ganun na lang ang pagkabilib ni Maja sa pamangkin sa tapang nito at ‘yan nga raw ay nang dahil sa pag-ibig. Well, well, well…’Yun na!