Advertisers
DEAD on the spot ang dalawang lalaki na binaril sa loob mismo ng isang pampasaherong jeepney sa Quiapo, Maynila nitong Huwebes ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Reynaldo Nuque, dating pulis; at Felizardo Pablico.
Ayon sa inisyal na salaysay ng mga saksi, sinabi ni Rolan Gacula, tserman ng Barangay 310, na bagong laya ang dalawang biktima sa MPD Station 3.
Kalalaya lamang nila nitong 10:00 ng umaga ng Huwebes. Pero inabangan ang mga ito ng ‘riding in tandem’ na bumaril sa mga biktima.
Sa report, may kasong robbery holdup ang mga biktima.
Pero ayon kay Carlo Manuel, ang tagapagslaita ng MPD, naarestado ang dalawa noong Nobyembre dahil sa illegal possession of firearms.
Dagdag pa ni Manuel nasa 4 ang salarin sa krimen.
Hawak narin ng mga pulis ang jeepney driver na magsisilbing testigo sa krimen.
Ayon naman sa driver, sumakay ang nasa apat na tao, kasama ang dalawang biktima, nang biglang may narinig siyang putok.
Agad daw siyang umiwas at dumapa upang hindi matamaan ng baril. (Jocelyn Domenden, Andi Garcia)