Advertisers

Advertisers

Israeli scam duo arestado sa BI-FSU

0 19

Advertisers

Dinakip ng Bureau of Immigration (BI) fugitive search unit (FSU) operatives ang dalawang Israeli nationals na sangkot sa scam operations sa bansa.

Sila ay kinilala ni BI FSU chief Rendel Ryan Sy na sina Beniashvili Tzahy, 30 at Liel Arzi, 25. Sila ay inaresto noong September 5 sa isang commercial building sa Henson St. sa Brgy. Lourdes Northwest in Angeles City, Pampanga, sa aktong nagpapatakbo ng workstation na may mga computer units na naka-link sa mga trading applications.

Ayon sa BI records, si Beniashvili ay may active working visa at pinetisyon ng ibang kumpanya, habang si Liel ay may tourist visa lamang.

Ang pag-aresto ay nag-ugat sa intelligence information na may Israeli nationals na sangkot sa business process outsourcing (BPO) scam operations sa Pilipinas. Ang trading scam ay nanloloko sa pamamagitan ng pag-alok ng pekeng investment mentorship programs at trading opportunities, upang makakuha ng ‘unauthorized access’ sa mga bank accounts ng biktima.

Tiniyak ni Sy na ang BI ay magsasagawa ng marami pang operasyon laban sa scam hubs na pinatatakbo ng mga banyaga sa bansa.

Sina Beniashvili at Liel ay mananatili sa BI custody habang sumasailalim sa deportation proceedings. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)