Advertisers

Advertisers

Trak bumulusok sa bangin: 2 patay

0 203

Advertisers

NASAWI ang dalawang lalaki nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang truck sa Barangay Binaton, Digos, Davao del Sur, Miyerkules ng gabi.
Sa ulat, nakasakay ang dalawang trabahador na sina Junel Vargas at Celso Acam sa likod ng naturang truck habang bumabaybay ito sa Digos-Kapatagan Road sa Purok Durian, Sitio Mahayag.
Papunta sa sentro ng Digos City ang truck nang nawalan umano ng kontrol ang driver at bumangga ito sa bahay. Nahulog sa banging ang trak na ilang metro rin ang lalim kaya wasak ang sasakyan.
Dinala sa ospital ang mga nasugatan, kabilang ang truck driver, pero namatay sina Vargas at Acam.