Advertisers

Advertisers

3 kinatay na nakaposas sa Bulacan

0 750

Advertisers

DALAWANG babae at isang lalaki na nakaposas ang natagpuang bangkay ng ilang residente sa bypass ng Barangay Malamig, Bustos, Bulacan.
Sa inisyal na imbestigasyon ni Police Major Bryan Magundadayao, 7:00 ng umaga nitong Biyernes nang makita ang duguang katawan ng mga biktima.
Base sa ulat, magkakapatong na natagpuan sa gilid ng kalsada ang tatlo na pawang may tama ng bala ng baril sa katawan.
Walang pagkakakilanlan ang mga biktima, maliban sa suot na facemask ng isang babae na may nakatatak na Lungsod ng Maynila, ang isang lalaki naman ay nakasuot ng kulay puti na pantalon, habang nakasuot ng stripe na green ang isa pang babae.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon.
(Thony Arcernal)