Advertisers

Advertisers

Basketbolista sa Dacera case lumutang sa NBI

0 348

Advertisers

NAGTUNGO sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang “basketball player” na inuugnay sa kontrobersyal na pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ang basketbolista ay kinilalang si Justin Rieta na isa sa 12 persons of interest sa Dacera case.
Nadawit sa krimen si Rieta dahil isa ito sa naka-checked in sa Room 2207 ng City Garden Grand Hotel noong January 1 kungsaan naglabas-pasok si Dacera noong araw ng kanyang pagkamatay.
Base sa inilabas na rekord ng hotel at CCTV footage, si Dacera, 23, at mga kaibigan nito ay nanatili sa Room 2209 upang salubungin ang Bagong Taon. Sa CCTV videos din makikitang labas-pasok sa katabing room ang biktima at mga kaibigan nitong bading noong gabi bago maganap ang insidente.

Nakita na lamang ang flight attendant na walang malay sa bathtub nang inupahan nitong kwarto kinaumagahan. Hindi magising si Dacera kaya isinugod ito sa ospital kungsaan idineklara itong dead-on-arrival.
Kakaunti lang ang nakakikilala sa mundo ng basketball kay Rieta o Juztin (tawag sa kanya sa social media) bukod sa mga regular na nakakalaro nito sa mga liga sa loob at labas ng Manila bago ang pandemic.
May mga nagsabi na nag-tryout si Rieta sa National University Bulldogs noong panahon ni former coach Eric Altamirano bago mag-enroll sa Polytechnic University of the Philippines.
Isa sa kanyang nilaruang team sa liga ay ang CAL Autoworks kung saan isa ito sa key players ng team na sumabak sa Quezon City Basketball League (QCBL) noong 2019.
Kasama ang abogado ni Rieta sa NBI, itinanggi nitong may naganap na krimen at sinabing wala siyang napansing kahina-hinala nang makasama ng kanyang grupo si Dacera.
“Hindi ako naniniwalang may naganap na krimen noong January 1 at wala rin akong kilala kahit sino sa grupo ni Dacera o maging si Dacera na nasa Room 2209,” paliwanag ni Rieta.(Jocelyn Domenden)