Advertisers

Advertisers

COVID-19 vaccination plan ng pamahalaan iimbestigahan ng Kamara

0 217

Advertisers

SA Lunes, Enero 18 ay ikakasa ng Kamara ang sarili nitong pagdinig hinggi sa COVID-19 vaccination plan ng pamahalaan.
Pangungunahan ito ng House Committee on Health kung saan inaasahang dadalo sina Health Secretary Francisco Duque, National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., mga medical expert, mga health organization at iba pang ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan, chair ng Komite, magsisilbing jump-off point ng deliberasyon ang House Resolution 1227 ni Parañaque Rep. Joy Tambunting at House Resolution 1332 ni Sultan Kudarat Rep. Princess Rihan Sakaluran.
Titiyakin aniya dito na hindi masasayang ang bilyong pisong pondo para sa inoculation at sinisiguro rin na ang alokasyon ay gagamitin sa pagbili ng pinakaepektibo at pinakaligtas na bakuna laban sa COVID-19.
Bibigyang linaw din sa nasabing pagdinig ang iba’t ibang opinyon at isyu kaugnay sa government-procured vaccines.
Umaasa naman ang kinatawan na sa pamamagitan ng pagdinig ay makakabuo ang Kamara ng konkretong legislative actions na makakatulong sa Ehekutibo para sa matagumpay na pagpapabkuna kontra COVID-19. (Henry Padilla)