Advertisers
Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na may sapat na medical professionals, equipment, suplay ng gamot bilang paghahanda sa kinatatakutang ‘The Big One’.
Ito ang tugon ni Mayor Isko nang tanungin kung gaano kahanda ang lungsod ng Maynila sa ‘The Big One’ nang mangyari ang malakas na pagyanig sa Cebu kamakalain na kumitil sa buhay ng 72 indibidwal at daan-daang mga sugatan gayundin ang pagkawasak sa maraming mga bahay , gusali at establisyimento bunsod ng 6.9 magniyude na lindol sa probinsya.
Bagama’t hindi masagot ng direkta ng alkalde kung handa ang Maynila dahil hindi aniya nito mahulaan kung gaano kalaki ang pinsala ng Big One ngunit siniguro niya na may mga evacuation sites na maaring tuluyan ng mga maapektuhan ng malakas na lindol.
“In normal situation , we havebmore enough–doctors meron, medical frontliners meron, first responders, pasilidad, capacity in terms of transportation merong magagamit”, anang alkalde.
Kabilang sa mga binanggit ni Mayor Isko na evacuation sites ang Baseco evacuation center na matatapos na ang renovation at ang Delpan evacutiaon center.
Bukod dito, maari ring gamitin ang nasa mahigit 100 school building sa Maynila sakaling kakailanganin.
“Hindi ko lang ma-assesed how big the Big One but we are told to prepare our cities “ani Domagoso sa Kapihan ng Samahang Plaridel sa Rizal Park Hotel Lunes ng umaga.
“So we have enough and it will be never enough kung mala Syria itong mangyayari which I do not wish kasi marami tayong light materials”, dagdag pa ni Mayor Isko. (Jocelyn Domenden)