Advertisers

Advertisers

Top 4 sa Big 4!

0 12

Advertisers

Pumupukpok ng husto ang apat na malalaking unibersidad sa UAAP season 88.

Nasa unang lima ang UST, Ateneo, La Salle at UP. Tanging NU lamang ang nakasingit sa kanila

Ang Blue Eagles una sa standings sa kartadang 4-0, ang host na Growling Tigers may 3-1, ang Green Archers ay 2-2 at ang Fighting Maroons ay 2-2 din

Sinsabing malamang sila rin ang papasok sa Final Four. Tila Bulldogs na 3-1 lang ang posibleng makasingit sa kanila.

Samantala may meme na kumakalat sa Facebook na tumutukoy sa apat na senador na nagsipag-aral sa mga pamantasan na nabanggit.

Hindi yan mga pinakamahuhusay na manlalaro ng apat na itinituring na pinakamagagaling na eskwelahan ha. Sa totoo nga ay isa lang sa kanila ang naging varsity player.

Ang tinurukoy natin ay ang mga miyembro ng Upper House na sangkot sa matinding kontrobersya.

Lahat sila galing sa mga paaralan na mahuhusay din sa basketball sa UAAP..

Una sa listahan si Jinggoy Estrada na nag- aral sa Ateneo ( elementary at high school), pangalawa si Chiz Escudero na mula sa State U ( college), pangatlo si Joel Villanueva na bahagi ng UST Growling Tigers nang magkampeon taong 1993.

Sila ang madalas nababanggit na sabit sa flood contriol na sigalot.

Yung ikaapat na kagawad ng Mataas na Kapulungan ay ang tumatayong Minority Floor Leader na galing sa De La Salle University.

Bagama’t hindi pa kabilang sa ngayon sa gusot ay dati naman matunog siya sa mga nakaraang mga gusot.

Isa siya sa nagdedepensa parati sa Pangalawang Pangulo sa kaso ng impeachmenr.

May pagkamaangas din kanyang personalidad kaya marami naiinis.

Lahat sila nasa minorya.

Nakikita rin sila na nagchecheer sa mga game ng kani-kanilang eskwelahan.

Sumasali rin sila sa cage tean ng lehislatura na pinamumunuan ni Tito Sotto.

***

Medyo asiwa ang nadiskubre natin sa Finals ng Eurobasket 2025 sa pagitan ng Germany at Turkey.

Paano ang sponsor ng nanalong Germans ay Peak na isang sports brand ng China habang ang natalong Turkey ay Puma na isang markang Aleman.

Nasa kaliwang banda ng pang-itaas na jersey nina Cedi Osman ang logo ng Puma. Samantala naka-print naman sa shirt nina Dennis Schroder ang simbolo ng Peak.

Takang-taka si Mang Tomas sa arrangement na ito.

***

Big start ang Magnolia sa PBA@50 sa pagpadapa nila sa Barangay Ginebra noong opening day.

Tinalo agad ni new HC LA Tenerio ang dati niyang kopnan na GinKings.

Bwenas sila ng bagong team governor Jason Webb.