Advertisers

Advertisers

Mga taga-QC ban sa Arayat, Pampanga

0 212

Advertisers

IPINAGBAWAL ng lokal na pamahalaan ng Arayat, Pampanga ang pagpasok ng mga residente ng Quezon City dahil sa banta ng bagong coronavirus variant.
Ayon kay Arayat Mayor Emmanuel Alejandrino, ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa kanilang bayan.
Papayagan namang makapasok ang mga biyahero sa bayan ng Arayat ngunit hindi dapat lumabas ang mga ito sa sasakyan.
Habang ang mga residente naman ng Arayat na nagtatrabaho sa Quezon City ay kinakailangang magsumite ng negatibong resulta ng COVID-19 test.
Matatandaang kinumpirma ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center (PGC) na isang residente ng Quezon City ang nagpositibo sa bagong COVID-19 variant.
Ito ay lumipad patungong UAE noong Disyembre 27 at bumalik sa bansa Enero 7 sakay ng Emirates Flight No. EK 332.
Samantala, naglaan ng P12 milyon ang LGU ng Arayat upang pambili ng COVID-19 vaccine para sa mga residente.