Advertisers

Advertisers

Pinas kukuha ng 20-M doses ng COVID-19 vaccine mula sa Moderna

0 219

Advertisers

PAPALO sa 20 million dozes ng COVID-19 vaccines ang kukunin ng Pilipinas sa tripartite agreement ng pamahalaan, pribadong sektor, at United States drugmaker Moderna.
Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Health nitong Lunes, Enero 18, patungkol sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na sa 20 million doses na nakuha ng Pilipinas mula sa Moderna, 10 million rito ang para sa pribadong sektor at ang nalalabing kalahati ay para sa pamahalaan.
Ang Moderna ay kabilang sa pitong pharmaceutical companies na nasa final stage na ng negosasyon ng pamahalaan.
Sa ngayon, sinabi ni Galvez na nalagdaan na ang term sheets para sa Novavax kung saan nasa 30 million doses ng COVID-19 vaccine ang kukunin, habang 17 million doses naman sa AstraZeneca, at 25 million sa Sinovac.
Ayon kay Galvez, ang term sheets na ito ay ang dokumentong kailangan upang sa gayon ay maireserba na sa isang bansa ang bibilhing bakuna, at para masimulan na rin ang paghahanda sa logistical needs na kailangan sa paggawa at deliver ng mga ito.