Advertisers

Advertisers

Website para malaman kung may violation ang motorista inilunsad ng Manila LGU

0 288

Advertisers

INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang website para sa mga motoristang gustong malaman kung may violation o paglabag sila sa batas-trapiko sa lungsod.
Ito ay bahagi ng ‘No Contact Apprehension Program’ o NCAP ng Manila government.
Makikita sa nocontact.manilacity.ph kung may violation na ba ang motorista.
Kailangan lamang ilagay ang plate number o conduction stricker ng sasakyan upang malaman kung mayroon na itong mga paglabag sa batas trapiko sa Maynila.
Sa mga may paglabag naman, maaari ring i-check dito ang notice of violation, at kung ano ang dapat gawin gaya ng proseso sa pagbabayad.
Pinapayuhan ang mga motorista na magkaroon ng oras na bisitahin ang website at alamin kung may paglabag sa batas-trapiko at mga ordinansa sa Maynila.
Pero higit sa lahat, pinaalalahanan ang lahat na maging responsableng motorista, upang iwas-huli, iwas-parusa, at iwas-disgrasya.
Una nang inilunsad sa Lungsod ng Maynila ang mga high-definiton CCTV camera kungsaan malinaw na makikita ang motorista na may paglabag sa batas trapiko.
Ang progamang ito ay inilunsad upang maiwasan ang pangongotong ng traffic personnel na ipinakalat sa mga kalye sa Maynila. (Jocelyn Domenden)