Advertisers
NAKAMIT ng Pilipinas ang kanilang unang gintong medalya sa Asian Youth Games gold medal sa Manama, Bahrain Lunes.
Dinomina ni Kram Carpio ang women’s pencak silat events,sa girls’ 51-55 kilogram division, matapos talunin ang Indonesia’s Qiken Dwi Tata Olifia, sa iskor na 33-19 sa finals Lunes ng gabi.
Unang niyang tinalo si Nazaninfatemeh Kolasangiani ng Iran, 36-22 sa round of 16, sinundan ng malaking panalo kay Sakshi Thakur ng India, 83-17 sa quarterfinals.
Tiniyak ni Carpio ang isang medalya para sa bansa sa semifinals, matapos niyang talunin si Aliyam Azizova ng Kazakhstan, 46-27 bago harapin ang Indonesian sa finals.
Sa gintong medalya ni Carpio, ito ang kauna-unahang medalya ng bansa sa Asian Youth Games mula noong huling ginanap ito 2013.