Advertisers

Advertisers

Romualdez ‘naamoy’ ng BI lalabas ng Pinas

0 2

Advertisers

NAKATANGGAP ang Bureau of Immigration (BI) ng impormasyon kaugnay ng umano’y planong pag-alis sa bansa ni dating House Speaker at kasalukuyang Leyte Party-list Representative Martin Romualdez.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, naipaalam sa kawanihan ang planong pagbiyahe ng mambabatas na hindi naman natuloy kalaunan.
Saad pa ng BI official, batid ng kampo ni Romualdez ang umiiral na derogatory records at ang kaukulang restriksiyon. Sakali man aniya na may pagtatangkang umalis, ipatutupad ng kawanihan ang batas ng naaayon.
Nauna nang ibinunyag ng Office of the Ombudsman nitong Lunes na tinatangka ni Romualdez na umalis ng Pi-lipinas sa kabila ng precautionary hold departure order laban sa kaniya.
Itinanggi naman ng kampo ng mambabatas na nagtangka itong tumakas, iginiit na na-nanatili parin ito sa bansa.
Ayon sa tagapagsalita ni Romualdez na si Atty. Elaine Atienza, nakahanda ang former house speaker na harapin ang Office of the Ombudsman at mananatili siya sa bansa hanggang sa malinis ang kaniyang pa-ngalan.
Isa si Romualdez sa mga iniimbestigahan ng Ombudsman kaugnay ng korapsiyon sa flood control projects.