Advertisers
Nasabat ng mga tauhan ng mga pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit ng Batangas Police Provincial Office at ng Alitagtag Municipal Police Station ang nasa 5.5 Milyon Piso ng mga produktong petrolyo at nasakote ang isang suspek na driver ng Isuzu Tanker Truck na may plakang NAK 2103 na ginamit sa iligal na operasyon ng pagsasalin ng petrolyo nuon lunes ng hapon July 20, 2026 sa Brgy. Dominador East ng Alitagtag, Batangas.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jes,” 48 anyos, residente ng San Pablo City, Laguna.
Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office, nahuli sa akto ng mga awtoridad ang suspek na nagsasalin ng diesel oil mula sa truck patungo sa mga container. Narekober sa lugar ng insidente ang dalawang (2) piraso ng 20 litters container na may laman ng diesel na nagkakahalaga ng P3,200.00, isang (1) piraso ng siphoning hose, 30,000 litters ng Diesel na worth P2,400,000. at ang ginamit na kulay asul na tanker truck na nagkakahalaga ng P3,100,000. na may kabuoang halaga na P5,503.200.ang lahat ng nakumpiskang ebidensya.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag Presidential Decree No. 1865 (Oil Pilfirage Law) at wala pang inilalabas na mga pangalan ng mga kasabwat ng suspek ang mga awtoridad.(Koi Laura)