Advertisers

Advertisers

‘Minority sa bilang, majority sa performance’

0 63

Advertisers

Pinatunayan ng Senate Minority bloc na hindi kailangan ng malaking bilang para magpakita ng resulta.

Sa pinakabagong Pulse Asia survey, tatlo sa limang top senators ay mula sa grupong pinamumunuan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Nanguna si Senator Bong Go na may 76 percent approval rating. Sumunod si Cayetano sa pangatlo na may 65 percent, at si Senator Rodante Marcoleta sa panglima na may 63 percent.

Tatlong posisyon sa Top 5 ay hawak ng mga senador na dating kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at kahit na hindi sila bahagi ng majority o ng administrasyon, matibay pa rin ang impluwensiya ng kanilang brand ng pamumuno.

Ang resulta ay hindi lamang usapin ng popularidad. Ipinapakita nito ang patuloy na kredibilidad ng Duterte-aligned bloc sa mga botante.

Habang maraming isyu ang bumabalot sa Senado mula sa flood control controversy hanggang sa budget debates, ang mga pangalan nina Cayetano, Go, at Marcoleta ay nananatiling konektado sa ideya ng trabaho, aksyon, at pananagutan.

Mahalagang obserbahan na ang kumpiyansa ng publiko ay nakabatay hindi sa partido kundi sa performance.

Nakikita ang mga senador na ito bilang mga aktibong gumagalaw sa mga isyung mahalaga sa taumbayan.

Mula noong sila ay nahalal hanggang sa survey ngayon, malinaw na nananatiling malakas ang pwersa ng mga dating kaalyado ng Duterte administration dahil nakikita pa rin ng publiko ang resulta ng kanilang trabaho at presensya sa mga kritikal na usapin.

Hindi nga talaga sapat ang dami. Quality over quantity pa rin dahil ang mahalaga ay kredibilidad, visibility, at kakayahang makuha ang tiwala ng publiko.

At sa ngayon, ang mga nasa Duterte-aligned minority ay patuloy na nakapoposisyon doon.