Advertisers

Advertisers

LANAO DEL SUR REGU TRIO, GOLD SA BATANG PINOY GENSAN PENCAK SILAT

0 197

Advertisers

NANGIBABAW ang Team Lanao upang saklitin ang unang ginto at pumasok sa medal board sa Regu category event ng pencak silat sa Day 2 ng Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 sa dinagsang SM General Santos Activity Center dito .

Sa timon at motibasyon ni Lanao del Sur head coach Jamel Hussein Matombsar, eleganteng ipinamalas ng trio nina Jonaem Rachman, Muhammad Hussein Tanaon at Abdurahman Baro ng Secap MSU ILS ng Marawi ,LDS sa kanilang pasiklab na golden performance ng kaganapang inorganisa ng Philippine Sports Commission.

” Masaya ang ating mga atleta dahil nakuha namin ang aming first gold.Optimistiko po tayo na madaragdagan pa ang ating medals of any color para sa aming LGU”,wika ni coach Jamel na nagpasalamat sa kanìlang numero unong sumusuporta sa team na si Marawi City Mayor Sharef Gandamra at host ng Batang Pinoy na si General Santos City Mayor Lorelie G.Pacquiao.

Dahil sa panalo ay optimistiko si Jamel na dadami pa ang mga kabataang mahihilig maglaro ng pencak silat para mula sa kanilang balwarte para sa ambisyong maging national athlete sa hinaharap.

Samantala ,naghatid naman ng maugong na mensahe ang koponang Manila sa unang ratsada ng Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 dito.

Ang Manila sa pamumuno ni MASCO head Dale Evangelista na nagpadala ng halos 300 atleta ay kumopo ng 6 na gintong medalya,5 pilak at 3 tanso sa kabuuang 14 upang ungusan ang defending overall champion Pasig City na may 4-4-3 tally na nagpapahiwatig ng kahandaan ng Big City na hubaran ng korona ang powerhouse Pasiguenos.

Ang Quezon City na tumetersera ay may 3-3-0 . Bongga naman ang showing ng Zamboanga sa likom na 3-3-0 kasunod ang Cebu sa produksiyon nitong 3-2-2 habang di naman pahuhuli ang host General Santos City na kumamada rin ng 3 golds , 1siver at 1 bronze. (Danny Simon)