Advertisers
NA-HULICAM ang panghihipo ng isang motorcycle rider sa naglalakad na babae sa Balagtas, Bulacan.
Makikita sa kuha ng CCTV na habang naglalakad sa gilid ng kalsada ang biktima pauwi galing simbahan nang madaanan siya ng rider.
Kahit nakalagpas na, bumalik ang rider, tinabihan ang babae at hinipuan ito.
Agad na umalis ang rider, na hindi nakilala dahil sa suot na helmet at face mask. Wala ring plaka ang gamit niyang motorsiklo.
Nai-report na sa otoridad ang insidente. (James de Jesus)