Advertisers

Advertisers

P6m shabu nasabat sa 4 tulak sa Makati

0 246

Advertisers

ARESTADO ang apat katao sa buy bust operation ng Makati Police sa Kalayaan Ave., Barangay West Rembo, Makati City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Marivic Delacuesta, 36; Daryl Ace Parung, 29; Jamail Bura, 37; at Frank Lawrence Dela Cruz,18-anyos, pawang residente ng Manila City.
Ayon sa Makati Drug Enforcement Unit, nasa P600,000 buy bust money ang ginamit sa transaksyon para maaresto ang mga target sa Barangay West Rembo.
Kabilang sa nakumpiska ang 900 grams ng shabu na nagkakahalaga ng higit P6 million. (Gaynor Bonilla)