Advertisers

Advertisers

Estudyanteng babae binaril-patay

0 368

Advertisers

PATAY ang isang babaeng estudyante nang pagbabarilin sa probinsiya ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Baimojera Sulaiman, 21- anyos, dalaga, mag-aaral ng Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST) Batulawan Campus, at residente ng Barangay Talitay, Pikit, North Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director, Colonel Henry Villar, nakatayo ang dalaga sa harap ng Public Market at Public Terminal sa Pikit nang lapitan ito ng isang lalaki at pinagbabaril ng kalibre.45 na pistola.
Mabilis na tumakas ang salarin sakay ng naghihintay na motorsiklo sa labas ng palengke.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.