Advertisers

Advertisers

Mga guro hindi magtuturok ng bakuna – Usec. Vergeire

0 209

Advertisers

HINDI magtuturok ng Covid-19 vaccine ang mga guro dahil may mga batas na sumasaklaw sa pagbabakuna o kung sino lang ang puwedeng magbakuna, ayon kay Health Usec Maria Rosario.
Sinabi ng opisyal na kung sakaling kakailanganin ang kanilang tulong ay maari naman silang makatuwang sa mobilization, information dissemination at iba pang may kaugnayan sa immunization program ng pamahalaan.
Pero hanggang sa ngayon aniya ay wala pang pinal na listahan na kasama ang mga teacher sa mga aatasan magturok ng bakuna.
Aniya isa lamang ito sa mga rekomendasyon na lumabas sa ginagawang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang grupo.
Samantala, sinabi ni Vergeire na ang mga pharmacist at midwives ay posibleng makatulong para sa pagbabakuna sa mga tao.
Ayon kay Vergeire, magkakaroon ng townhall meeting kasama ang DOH para mabigyan ng impormasyon.
Dagdag pa ni Vergeire na nakapaloob sa kanilang batas na maari naman silang magbigay ng bakuna na may tiyak na kondisyon.
Tulad aniya sa pharmacist, kailangan ay trained at certified.
Nakikipag-ugnayan na rin umano ang DOH sa Professional Regulation Commission o PRC para sa akreditasyon o certification process. Ang pharmacists at midwives ay ite-train din, upang maging handa para sa mass vaccination. (Jocelyn Domenden)