Advertisers
INIHAIN ni Albay Rep. Edcel Lagman ang House Resolution 1490 para sa agarang imbestigasyon kaugnay sa unilateral abrogation ng Dept of National Defense sa UP-DND Accord of 1989.
Inaatasan sa resolusyon ang House Committee on Human Rights na magsagawa ng inquiry in aid of legislation hinggil sa pagbuwag ng DND sa kasunduan.
Ayon kay Lagman, void ab initio ang unilateral termination ng DND sa kasunduan dahil ito ay sa pagitan ng dalawang partido at hindi maaaring mapawalang bisa sa pagtiwalag ng isang partido lamang.
“The unilateral termination of the subject agreement by the DND without prior consultation with and conformity of UP officials is illegal and void ab initio because the accord was entered into bilaterally and mutually, and could not be extinguished by one party alone.” paliwanag ni Lagman.
Dagdag pa ng Albay solon, hindi malayong ma-red-tag ang komunidad ng UP sa iba’t ibang UP campuses at extension campuses dahil sa ginawang pagpapawalang bisa sa kasunduan.
Kasama naman sa mga lumagda bilang co-author ng resolusyon sina Quezon City Rep. Christopher “Kit” Belmonte, Iloilo Rep. Lorenz Defensor, at Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate.
Isang hiwalay na resolusyon din ang binabalangkas ng MAKABAYAN Bloc sa Kamara para sa kahalintulad na panawagan. (Henry Padilla)