Advertisers
ISANG 19-anyos na estudyante ang nagpakamatay sa bayan ng Pozorrubio.
Kinilala ang biktima na si John Brien Nespiros, residente ng Barangay Dolan Paurido sa nasabing bayan.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, huli itong pumasok sa kaniyang kwarto 5:00 ng hapon nitong Sabado subali’t hindi na ito lumabas
Pasado 3:00 na ng hapon ng sumunod na araw nang magpasya ang kapatid nitong katukin ang kwarto ng biktima subali’t hindi ito sumasagot kung kaya’t sapiltan na itong binuksan, kungsaan nakita ang katawan nitong nakabitin sa kisame ng kanyang kwarto gamit ang lubid.
Napag-alamang nag-post pa ang biktima sa social media ng kanyang pagpapakamatay at nagpapasalamat ito sa kanyang mga kaibigan.
Napag-alaman din na tinangka na nitong magpakamatay noon sa pamamagitan ng paglaslas ng pulso nito dahil sa academic problems.