Advertisers

Advertisers

Sunog sumiklab sa Tondo, itinaas sa ikatlong alarma

0 12

Advertisers

Itinaas na sa ikatlong alarma na ang sunog na nagaganap sa isang residential area sa Tondo, Maynila nitong Lunes.



Ayon sa mga residente sa lugar, bahagi ng Inocensio at Trinidad Street na sakop ng Barangay 91 at 93 ang natutupok na mga kabahayan.

Sa inisyal na impormasyon, 11:00 ng umaga nang sumiklab ang sunog.
Ilang mga residente na ang tumulong sa mga bumbero na apulahin ang sunog kung saan sa ilog o estero na rin kumukuha ng tubig na pambuhos.



Kaniya-kaniya namang hakot ng gamit ang mga residente upang hindi madamay sa apoy.

Inaalam pa ang naging halaga ng mga ari-ariang nasunog at pinagmulan nito.(Jocelyn Domenden)

Text block ako. I-click ang pindutang i-edit upang baguhin ang tekstong ito. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.