ES BERSAMIN, IGINIIT NA MAS MAIGING HINTAYIN ANG OFFICIAL ANNOUNCEMENT UKOL SA POSIBLENG CABINET REVAMP
Advertisers
“Let’s wait for the official announcement.”
Ito ang tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin nang tanungin ng media kung totoong magkakaroon ng cabinet revamp.
Una rito, diretsahang itinanggi ni Bersamin ang unang napaulat na nagbabalak umano siyang magbitiw sa posisyon.
Giit ni Bersamin, walang katotohanan ang kumakalat na espekulasyon at hindi ito dapat paniwalaan hangga’t walang aktwal na anunsyo mula sa Palasyo.
Kabilang sa mga alingasngas ang posibilidad na palitan siya ni Finance Secretary Ralph Recto na agad namang pinabulaanan ni Recto sa isang ambush interview sa Senado. (Gilbert Perdez)