Advertisers
TIMBOG ang isang public teacher at itinuturing na High Value Individual (HVI) sa illegal na droga sa Goa, Camarines Sur.
Kinilala ang naaresto na si Melvin Bumanglag, 48-anyos, residente ng Zone 2 Barangay Tagontong sa nasabing bayan.
Sa ulat, nagsagawa ng search and seizure operation ang mga otoridad sa bahay ng titser bisa ng Search Warrant na inilabas ni Judge Ma. Angela Arroyo ng RTC San Jose, Camarines Sur dahil sa paglabag nito sa RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakuha sa bahay ng titser ang 8 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng shabu.
Nabatid na matagal nang kasama sa drug watch list si Bumanglag.