Advertisers

Advertisers

Babaeng kawani ng PhilHealth itinumba

0 279

Advertisers

BUTAS ang bungo ng isang kawani ng PhilHealth nang pagbabarilin sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.
Kinilala ang biktima na si Sheila Marie Pestano Pusoc, 39, PhilHealth Section Clerk ng Sultan Kudarat Provincial Hospital, at residente ng Barangay Kalawag 1, Isulan.
Sa report, naganap ang krimen umaga ng Miyerkules sa national highway sakop ng Barangay Kalawag 2, Isulan.
Ayon sa ulat, sakay ang biktima sa tricycle nang dikitan ng riding-in-tandem at pagbabarilin ng angkas ng caliber 45 pistol. Tinamaan ang biktima sa ulo, dibdib at likod. Mabilis na tumakas ang mga salarin sa direksyon ng South Cotabato.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.