Advertisers

Advertisers

Covid update: 250 gumaling; 20 nasawi; 2,178 bagong kaso

0 197

Advertisers

MULING nakapagtala ng mataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng corona virus disease ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Enero 22.
Sa pinakahuling update ng DOH, nasa 2,178 ang naitala na bagong kaso dahilan para maging 509,887 na ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa.
Nasa 32,031 naman ang aktibong mga kaso na hanggang ngayon ay patuloy pang nagpapagaling sa mga pasilidad.
Mayroon namang 250 bagong recoveries kaya umabot na sa 467,720 ang gumagaling sa sakit.
Nasa 20 naman ang bagong mga pumanaw kung saan umabot na sa 10,136 ang kabuuang namamatay sa Covid-19 sa bansa.
Nanguna ngayon ang Quezon City sa may naitalang kaso na nasa 148.
May 88 naman ang Bulacan, 80 sa Cebue City,79 sa davao Cityu at 75 sa Mountain Province. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)