Advertisers

Advertisers

JACKSTONE 5 MOVIE PARA SA MGA BADING AT TUNAY NA LALAKI

0 13

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Para kay direk Joel Lamangan, hindi lamang para sa mga bading ang pelikula nilang Jackstone 5.

Puwede rin daw at magugustuhan ito ng mga kalalakihan na straight.

“Siyempre kahit sino mang straight sa lipunang ito, may kaibigang bading.

“Andiyan na nga ang mga bading. Para lalo nilang maintindihan ang bading.

“Para lalo nilang maintindihan kung ano ba itong tinatawag na bading. Anong klaseng hayop ba ito?

“Lalo nilang maintindihan sila kapag napanood nila ito. “Mapapalapit ba sila dun sa kanilang kaibigan? Baka maging kaibigan pa nila yung mga bading na kilala nila.”

Totoo namang maraming mga kalalakihan ang may malapit na kaibigang bading kahit walang namamagitang intimate relationship, na walang malisya.

Lahad pa ni direk Joel, “Ako, marami akong kaibigang lalaki. Pag umuwi ako sa Cavite, puro lalaki ang mga kaibigan ko.

“Nakikipare-pare din siyempre ako. Alam nila!”

Noon nga raw high school student siya ay officer siya ng CAT.

“Totoong Corps Commander ako nung high school,” pagmamalaki niya.

“Lahat ngayon ng dati kong kadete, alam nila kung ano ako.

“Pare-pare pa rin. Wala namang… hindi tinitingnan ang mababa, hindi tinitingnan ang masama.

“Ang mga bakla, meron yang kaibigang lalaki. Kaibigan talaga.

“Hindi yung kaibigan na tsutsugihin, hindi na dyodyowain. Hindi yung ginagawa ni Arnell. Ganun!” bulalas pa niya tungkol sa karakter ni Arnell Ignacio sa Jackstone 5 na palabas sa mga sinehan simula ngayong December 3.

Bukod kay direk Joel at Arnell ay bida rin sa pelikula sina Gardo Versoza, Jim Pebanco at Eric Quizon, mula ito sa APEX Creative Production, Inc., with Dennis Evangelista as line producer.

Maraming eksena sa pelikula na nag-adlib sila, spontaneous kumbaga ang ilan sa kanilang pag-arte at pag-deliver ng mga dayalog.

Habang nagsu-shoot sila ay ina-adjust ang script para mas mapaganda.

“Script in progress po yun,” sinabi pa ni direk Joel.

“Habang nagsu-shoot, pag kailangang baguhin, binabago. Sapagkat wala naman doon ang writer, ako na lang po ang nagbabago.

“Opo. Script in progress, pero isang bayad lang po yun,” sambit pa ni direk Joel na artista at direktor ng pelikula.