Advertisers

Advertisers

Ellen Adarna inamin na itinayo ang Temple of Leah bilang imbakan bago naging tourist spot

0 4

Advertisers

By Anne Venancio

Inamin ng aktres na si Ellen Adarna na ang Temple of Leah sa Busay, Cebu, na isa sa mga pangunahing dinarayong pasyalan, ay hindi orihinal na itinayo bilang tourist destination kundi bilang imbakan ng mga personal na gamit ng kanyang lola na si Leah Adarna. Ang naturang istruktura ay ipinatayo ng kanyang yumaong lolo na si Teodorico Adarna.

“Hindi talaga siya ginawa para maging tourist spot. Para talaga siyang storage ng mga gamit ng lola ko,” ani Ellen.
Dagdag pa niya, kalaunan ay naging simbolo rin ito ng pagmamahal ng kanyang lolo sa kanyang lola, kaya’t itinuring itong alaala ng kanilang relasyon at pagkakabuo ng pamilya.



Dahil sa mala-Roman na disenyo at engrandeng arkitektura nito, nakilala ang lugar bilang “Temple of Leah” at kalaunan ay tinaguriang “Taj Mahal of Cebu.” Kalaunan, naging isa ito sa mga dinarayo ng mga turista at isa na rin sa mga kilalang tourist attraction sa Cebu.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">