Advertisers

Advertisers

“AYAW” NA NATIN SA DIPLOMASYA

0 24

Advertisers

MAINGAY na naman ang panawagan para ideklarang ‘persona non grata’ si Chinese Ambassador Jing Quan matapos niyang sabihin na KUNG dahas ang gagamitin ng China, PUWEDE silang manalo laban sa ‘Pinas.

PERO, mabilis niyang idinagdag na hindi nila ito gagawin dahil mas gusto nila ng “kapayapaan” (peace). Translation? “Tara na, mag-usap tayo!”

Para naman sa mga nagpoposturang “makabayan” at mga pekeng patriotiko— mga notoryus na “galamay” ng Kano at mga Pinoy na hindi nag-aral at mga “bopols” sa kaysaysayan– “pananakot” ang mga tinuran ni “Amba” at sa sarili pa nating “teritoryo” kaya mas mainam na palayasin na lang siya.



Sa lahat ng ito ang “sinadya” na alisin sa diskurso ay ang pagkakataon na mag-usap at aregluhin ang problema gamit ang diplomasya.

“Kasalanan” ba ito ng China? Dapat bang sisihin ang China sakaling mauwi sa digmaan ang lahat? Hindi, dahil kasalanan ito ng ating mga opisyal.



Dangan kasi, bagaman handa ang China na daanin ang pagresolba sa lahat ng problema gamit ang diplomasya na walang ‘precondition,’ ang ‘Pinas, ‘andaming kondisyon, sanamagan!

Una, dapat daw “kilalanin” ng China na “atin” ang ‘West Philippine Sea’ (kahit wala naman nito sa mapa ng mundo) at ang balangkas ng pag-uusap ay dapat nakabatay sa mga probisyon ng 2016 ‘Arbitral Award’ na pabor sa Pinas– kasehodang may mga sinabi rin doon na pabor sa China. Eh, anong klaseng pag-uusap ang magaganap, aber?



Isinara na rin ni Gibo Teodoro ang ‘military-to-military dialogue’ natin sa China at ngayon ay pilit na isinasara ang “pintuan” sa diplomasya sa pagpipilit na patalsikin si Amb. Jing Quan– habang patuloy ang ating mga pang-uurot na magkagiyera gamit ang mga gawa-gawang insidente sa South China Sea.

Kumbaga, “sinasadya” ng ating mga opisyal na huwag nang pakalmahin ang sitwasyon at daanin na lang sa “suntukan” ang lahat. Ang tanong: May “panalo” naman kaya tayo o tama ang obserbasyon ni Amb. Jing Quan?

May panahon pa rin naman para bumalik tayo sa diplomasya bago mauwi sa madugong digmaan ang lahat. Kaya lang, lumilinaw na inayawan na ito ng ating gobyerno.

Sakali namang dumating ito, natitiyak natin na maraming Pinoy ang HINDI nakahandang magpakamatay para lang isulong ang interes ng mga Kano, Jay Tarriela at Gibo Teodoro!

Hindi “ogags” ang mga Pinoy, noh?!