Advertisers
ISA sa mga prayoridad ni Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan C. Panaligan ang pangangalaga sa kalikasan at pagprotekta sa likas na yaman ng lalawigan, kaya niya isinusulong ang House Bill No. 132 na naglalayong isailalim ang Verde Island Passage (VIP) sa National Integrated Protected Areas System (NIPAS) bilang isang Protected Seascape.
Kamakailan tinalakay ng House Committee on Natural Resources ang panukalang batas na magtatag ng mas matibay na proteksiyon sa Verde Island Passage (VIP), na sumasaklaw sa mga lalawigan ng Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Batangas, at Romblon.
Kilala bilang Amazon of the Oceans, ang Verde Island Passage na isa sa pinakamayayamang sentro ng marine biodiversity sa mundo.
Tahanan ito ng libo-libung ng ibat-ibang uri ng isda, corals at iba pang yamang-dagat na mahalaga sa balanse ng ekosistema at kabuhayan ng mga komunidad sa baybayin.
Sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System o NIPAS, layunin nitong palakasin ang pangangalaga at pamamahala sa likas na yaman ng mga lugar sa bansa.
Sa pamamagitan ng House Bill No. 132 na itinutulak ng Kongresista ang pagkakaroon ng isang matibay na pagbalangkas para sa konserbasyon, rehabilitasyon at responsableng paggamit ng yamang dagat ng Verde Island Passage.
Hindi lamang kalikasan ang nakataya sa panukalang ito dahil nakasalalay din dito ang kalusugan ng mamamayan at kabuhayan ng mga mangingisda, suplay ng isda at pagkain ng bawat pamilya, gayundin ang kita ng mga negosyong umaasa sa turismo.
Matatandaang naging nanganib ang yamang dagat nang mangyari ang oil spill sa Oriental Mindoro noong 2023, na nagdulot ng malaking pinsala sa kapaligiran ng ilang bayan sa lalawigan na umabot din sa ilang probinsya na nakaapekto sa mga komunidad na umaasa sa karagatan lalo na ng mga mangingisda na naging banta ng polusyon at kabuhayan ng mamamayan.
Dahil diyan, kaya pinagtibay ang mga hakbang sa ilalim ng NIPAS upang mapalakas ang pangangalaga sa mga bahura at tirahan ng mga lamang-dagat at mapigilan ang mapanirang gawain kaya isinusulong ni Panaligan ang pangmatagalang seguridad sa pagkain at kabuhayan ng mga Mindoreño.
Ang House Bill No. 132 na inihain ni Panaligan sa Kamara ay upang bigyang-diin ang kahalagahan ng proteksiyon sa kalikasan, kabuhayan, at kinabukasan ng bawat Mindoreño.
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com