Advertisers

Advertisers

SARA IDINEPENSA ANG CHINA!

0 18

Advertisers

“NAGIGING troublemaker of Southeast Asia tayo,” ito ang wari’y tandisang pagdedepensa ni VP Sara Duterte sa China, sa kabila ng mga kabalbalan at panggugulo na pinaggagawa ng mga Intsik sa ating teritoryo.

Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr.

Resbak ito ng Bise Presidente matapos na mabunyag kamakailan sa Senate Impeachment Court ang milyones na natanggap nito diumano mula sa China.



Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay kung makatotohanan, ay isang “threat at the highest level” ito. Sinabi naman ni Sec. Teodoro Jr. na banta ito sa seguridad ng bansa.

May katwiran si VP Sara na ipagtanggol ang China kung totoo ang nadiskubre na pagtanggap nito ng tumataginting na Php 319M mula sa China na pinadaaan sa kompanyang Cale88 Foods Corp. at ng karagdagang Php 150M na pinadaan ng China sa Chinese Embassy at inimbudo sa Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines – ang foundation na iniuugnay kay VP Sara.



Nabunyag din sa Senate Impeachment Court na may mahigit sa Php 817M na undeclared wealth si VP Sara at tumanggap ng sweldo mula sa Davao City Local Government bagamat isa na itong Bise Presidente. May binayaran din itong mahigit sa Php 11M sa kanyang dentista.

Kuwestiyon naman ni VP Sara ay kung bakit tatratuhing national security threat ang pakikipagkalakalan sa China, gayong marami namang kompanya sa Pilipinas ang may ugnayang kalakalan sa China.



Isang mahusay na lawyer si Sara kaya imposibleng hindi niya alam na bagamat hindi bawal na makapag negosyo ang Pilipino sa China, ay ipinagbabawal naman sa batas na makipagkalakalan ang isang public official pagkat ito ay “salungat sa kanyang tungkulin” o conflict of interest bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Ipinunto ni Sec. Teodoro Jr., na ang China ang nag-iisang “trouble maker“ sa rehiyon lalo pa’t kung pagtutuunan ng pansin ang mga nililikha nitong kaguluhan at sigalot sa ating teritoryo.

Hina-harass ng mga ito ang ating mga mangingisda at pinagbabawalang makapangisda sa ating sariling karagatan, binibomba ng water cannon at binabangga ang sasakyang dagat ng ating coastguard at navy. Walang pahintulot na pinapasok ang ating teritoryo at kinakamkam ang ating mga pulo at dagat.

Sila rin (China) ang responsable sa paggawa ng substandard na bakal na nadiskubre sa Mindanao, pag-ooperate ng POGO hubs na sangkot sa ibat ibang uri ng krimen, operator ng Illegal Quarrying at Mining at iba pang ilegal na aktibidad.

Depensa ni Sec. Teodoro Jr., ipinagtatanggol ng ating mga kawal ang ating teritoryo at soberanya sa West Philippine Sea (WPS) at kailanman ay hindi sila naging pasimuno sa regional tension na kabaliktaran sa paglalarawan ni Sara at ng mga ipinagtatanggol nitong mga Intsik?

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144