Advertisers

Advertisers

GELLI DE BELEN, INULAN NG BASHERS, NAGPALIWANAG SA PATRICK-JENNYLYN ISSUE

0 20

Advertisers

Ni Anne Venancio

Nilinaw ni Gelli de Belen na ang kapakanan ng mga batang sangkot ang pangunahing dahilan ng kanyang naging komento tungkol sa kontrobersiya nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.

Sa YouTube podcast na Wala Pa Kaming Title noong Oktubre 11, iginiit ng aktres na wala siyang kinakampihan at wala siyang masamang intensiyon sa mga taong sangkot sa isyu.



Ayon kay Gelli, guest lamang siya sa Chica Cart para i-promote ang pelikulang Mantsa nang hingan siya ng reaksiyon tungkol sa isang viral interview at sa naging tugon dito ng publiko.

Ipinaliwanag niyang nakatuon ang kanyang komento sa posibleng epekto ng kontrobersiya sa mga bata, kabilang ang mga anak ng magkabilang panig.



“Wala po akong kinakampihan or kinampihan even on that very day at that very time,” ani Gelli.

Bilang isang ina, sinabi niyang nakita niya ang epekto ng paghihiwalay ng mga magulang sa kanilang mga anak.



Samantala, ipinagtanggol din siya ng mga kaibigan niyang sina Janice de Belen, Carmina Villarroel, at Candy Pangilinan.

Ayon kay Janice, mahalagang mabigyan si Gelli ng pagkakataong maipaliwanag ang kanyang panig sa kontrobersiya.