Advertisers

Advertisers

Pulis, ex-kapitan 11 pa patay sa engkuwentro sa SulKud

0 531

Advertisers

Aabot sa 13 ang namatay sa engkuwentro ng pulisya at isang grupo sa Sultan Kudarat, Maguindanao Sabado ng madaling araw.
Patay ang dating kapitan na si Datu Pendatun Kato Talusan at 11 na kasamahan nito.
Ayon sa Maguindanao police, isang pulis naman ang napatay sa insidente habang dalawang pulis pa ang nasugatan.
Sa ulat, nagkaputukan sa tangkang pag-aresto sa isang dating barangay kapitan na may mga kinakaharap na kasong kriminal.
Ayon sa report, maghahainan sana ng arrest warrant ng mga awtoridad laban kay Talusan nang mangyari ang engkuwentro.
Napag-alaman na dati nang nakaligtas sa isang ambush si Talusan noong Abril 2020.
Ang mga nasugatang pulis isinugod sa Cotabato Sanitarium hospital para mapagamot.
Hindi naman nabanggit sa ulat ng Maguindanao police kung isinugod din sa ospital ang mga nasa panig ni Talusan.
Sinasabing may apat na kaso ang kinakaharap si barangay chairman Talusan kabilang ang carnapping, robbery with homicide, double frustrated murder at illegal possession of firearms.
Pansamantalang ipinasara ang bahagi ng Cotabato-Davao Road dahil sa insidente.