Advertisers

Advertisers

EX-MAYOR SA PAMPANGA, 1 PA PINATAY SA OPISINA

0 322

Advertisers

PATAY ang dating vice mayor sa Pampanga at isa pa nang pagbabarilin sa kanilang tanggapan sa Angeles City, umaga ng Sabado.
Ayon sa guwardiyang si John Maverick Cunanan habang naliligo siya sa opisina ng kanilang kompanyang Blue Gems Security Agency sa Barangay Pulung Maragul ay nakarinig siya ng dalawang sunod na putok ng baril.
Nadatnan ni Cunanan na duguan at wala nang buhay si dating Masantol, Pampanga Vice Mayor Jorge Bustos III, 46 anyos, operations manager ng Blue Gems; at si Erick Cariaga na taga-Quezon City.
Ayon kay Cunanan, 9:00 ng umaga nang dumating sa opisina ang mga biktima at wala namang ibang tao sa gusali bukod sa mga ito.
Nire-review pa ng pulisya ang mga kuha ng CCTV para matukoy ang mga salarin.