Advertisers
INIHAYAG ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na makikipagpulong siya kay UP President Danilo Concepcion, anumang araw sa susunod na linggo.
Ito ay para pag-usapan ang pagpapawalang bisa ng 1989 UP–DND accord na nagbabawal sa pagpasok ng anumang puwersa ng militar at pulisya sa loob ng UP campus nang walang abiso sa board of regents.
Saad ni Lorenzana, ilan sa mga nirerespeto niyang tao ang kumumbinsi sa kanya na makipagdiyalogo sa presidente ng UP.
Inamin din ni Lorenzana, kanya na ring hiningi ang tulong ng isang kaibigan para pangasiwaan ang pulong niya kay Atty. Concepcion sa susunod na linggo.
Unang umapela si Concepcion sa DND na muling ikunsidera ang kanilang naging pasiya dahil mas maaaring magdulot aniya ito ng kalituhan at kawalan ng tiwala sa pagitan ang unibersidad at militar.
Giit ni Concepcion, gusto nilang mapanatili ang UP bilang kanlungan ng lahat ng mga paniniwala at uri ng malayang pamamayahag. (Josephine Patricio)