Advertisers

Advertisers

Banking, tourism industries malulugmok

0 254

Advertisers

IGINIIT ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na marami pang mawawalan ng trabaho sa mga susunod na buwan, partikular sa mga industriya ng local banking at turismo.
Paliwanag ni Pimentel, ito ay dahil pa rin sa nararanasang krisis sa ekonomiya na dulot ng COVID-19 pandemic.
Saad ni Pimentel, ang suspensyon ng loan repayments na minandato ng Kongreso noong nakalipas na taon ang siya umanong nagpahirap sa mga bangko na matukoy ang kanilang non-performing loans.
Ang nasabi rin aniyang problema ay nagdudulot ng mga setback sa tourism industry na binubuo ng libu-libong mga manggagawa.
Kaya naman, nanawagan ang mambabatas sa gobyerno na bumuo ng mga one-stop shops kung saan maaring magtungo ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho upang kunin ang separation insurance, mag-apply para sa skills retooling at iba pang mga serbisyo.
Dapat din aniyang magtulungan ang Social Security System, Public Employment Service Office, Technical Education and Skills Development Authority, at mga local government units kaugnay sa pagtatayo ng mga one-stop shops. (Henry Padilla)