Advertisers

Advertisers

MAS MABILIS NA RELYEBO, IPATUTUPAD SA 6 NA OSPITAL NG MAYNILA

Para di mapagod ng husto ang health workers:

0 369

Advertisers

INATASAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga direktor ng anim na city-run hospitals sa lungsod na magsagawa ng sistema na magpapabilis sa work shift ng mga health workers upang hindi ito mapagod ng husto.

Nabatid na halos kalahating araw ang ginugol nina Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna sa brainstorming kasama ang mga direktor ng mga ospital ng lungsod kaugnay ng gagawing pagbabago sa mga plano at pangloob na polisiya upang makaagapay sa panahon ngayon.

Sinabi ng alkalde na: “the hospital directors are already properly guided…I leace it to the directors because every hospital has a category and bed capacity and number of workers.”



Ayon pa kay Moreno, siya at si Lacuna na nagsu-supervised ng operation ng mga ospital na isa ring doctor ay nagbigay na ng generic order na nagbibigay ng awtoridad sa mga direktor na ipatupad na ang mga planong napag-usapan.

“Basta at the end of the day, we want the hospitals to remain fully functional to the limit capacity without adversely affecting the physical, mental and emotional condition of the medical frontliners,” giit ni Moreno.

Muli ay pinaalala ng alkalde ang kanyang apela sa mga residente na sumunod sa itinakdang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face masks, face shields, madalas na paghuhugas ng kamay, sanitation at tamang physical distancing, upang hindi na dumagdag pa sa tumataas na bilang ng COVID-19 patients sa Maynila.

Iginiit ni Moreno na ang kakayanan ng pamahalaang lungsod sa pagtanggap ng COVID patients ay umabot na sa 85 percent margin. At kung mananatiling pabaya ang mga residente ay malamang na sa kalye, basketball courts o barangay hall na lang sila gamutin sakaling tamaan sila ng COVID-19.

Ang lungsod ay may anim na pagamutan — Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center in District 1; Ospital ng Tondo, District 2; Justice Abad Santos General Hospital, District 3; Ospital ng Sampaloc, District 4; Ospital ng Maynila, District 5 at Sta. Ana Hospital sa District 6.



Sina Moreno at Lacuna ay nagbukas na rin ng mga quarantine facilities at nakakalat sa lungsod na may total bed capacity na 600. Ayon pa kay Moreno, magiging 15 na ang quarantine facility bago matapos ang buwan ng Agosto. (Andi Garcia)