Advertisers

Advertisers

DOH kinumpirma ang local transmission ng UK COVID-19 variant sa Bontoc

0 227

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na may nagaganap na local transmission ng mas nakakahawang UK variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Bontoc, Mountain Province.
Kasunod na rin ito nang pagkatukoy ng 12 kaso ng naturang sakit doon.
“The Department of Health confirms local transmission in Bontoc of the B117 variant of SARS-CoV-2 as identified through genomic sequencing,” anang DOH sa isang kalatas na inilabas nitong Lunes ng gabi.
Sinabi ng DOH na sa kasalukuyan, lahat ng natukoy na kaso na may UK variant ay maaaring iugnay sa mga kaso na direktang mula sa labas ng bansa o importasyon o mula sa ispesipikong kaso o exposure na maaari pang matukoy o local transmission.
Gayunman, wala umanong malinaw na ebidensiya na nakikita ang DOH na may community transmission na ng COVID-19 mutation sa Bontoc.
Ayon sa World Health Organization (WHO), masasabing mayroong community transmission ng virus kung may malaking bilang ng mga kaso, nagkakaroon ng case clusters sa multiple areas, at hindi na matukoy kung saan nakuha ang sakit.
Matatandaang una nang iniulat ng DOH na may 12 pasyente ng UK COVID-19 variant sa Bontoc.
Pito sa mga ito ang lalaki at lima ang babae habang tatlo ang bata, na nagkaka-edad ng 5, 6, at 10 taong gulang.
Kaugnay nito, nilinaw naman ng DOH sa publiko na bagama’t mas nakakahawa ang bagong variant ng COVID-19 ay wala namang ebidensiya na mas malala o mas nakamamatay ito.
Sa kabuuan, mayroon nang 17 kumpirmadong kaso ng UK variant sa Pilipinas. (Jonah Mallari)