Advertisers

Advertisers

SAMAHAN NG MGA VENDORS SA WOWEE PUBLIC MARKET, ‘KINALAMPAG’ ANG HARAP NG PASAY CITY HALL

0 50

Advertisers

HUMIGIT-KUMULANG 200 tindero na apektado ng pagsasara ng isang private owner na pampublikong pamilihan ang nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng Pasay City Hall sa F.B Harrison Street noong Lunes, Enero 12,2026.

Ayon sa pulisya, nagsagawa ng protest rally ang mga vendor sa pangunguna nina Wowee Market Vendors Association President Michael Babasa at Vice President Heidi De Jesus Cahatol mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas-10:10 ng umaga.

Nanawagan ang mga nagtitinda kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano para sa muling pagbubukas ng Wowee Market na matatagpuan sa kahabaan ng Taft Avenue sa Barangay 97, Pasay City.

Sinabi ng mga vendos na ang pagpapanumbalik ng kanilang kabuhayan, at pagkilala sa kanilang karapatang mabuhay ang kanilang mga pamilya ang nagpapalakas ng loob sa kanila upang guminhawa ang kanilang buhay.

Binigyang-diin ng mga nagprotesta na ang pamilihan ang nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng kita at pang-araw-araw na kabuhayan.

Ang Wowee Market ay ipinag-utos na sarado noong Disyembre 19 ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) matapos itong paulit-ulit na hindi nakasunod sa mandatory requirements para sa pagkuha ng business permit.

Sa isang pahayag, sinabi ni BPLO officer-in-charge Atty. Patrick Legaspi na ang closure order ay inihatid kasunod ng pare-parehong kabiguan ng may-ari na si Yok Tin Tan So, na sumunod sa mga mahahalagang kinakailangan sa regulasyon na kinakailangan para sa legal na operasyon.

Sinabi ni Legaspi na ang Wowee Market ay kulang sa ilang kinakailangang permit, kabilang ang Building Permit, Occupancy Permit, at Sanitary Permit.

Idinagdag niya na ang may-ari ay nabigyan ng maraming Notice to Comply mula Disyembre 2024 hanggang Hunyo 25, 2025. Sa kabila ng mga notice na ito, nabigo ang may-ari na isumite ang mga kinakailangang dokumento at hindi gumawa ng corrective action para makuha ang naaangkop na business permit.

Sa kabila nito,hiniling ng grupo kay Mayor Emi na ikonsidera ang kanilang kahilingan dahil sa wala naman umanong nangyaring proper notice and consultation sa mga kasapi ng Wowee Public Market Vendors Associations kayat nagulantang sila ng biglang isinara noong ‘Christmas holiday’ ang nasabing palengke. (JOJO SADIWA)